Parabula: Ang Regalo ng Liwanag
Noong unang panahon, sa isang malamig na bahagi ng mundo, may isang grupo ng mga taong naninirahan. Sinasabing ang mga taong ito ang isa sa mga sinaunang nilalang. Marami pa silang bagay na hindi nalalaman o natutuklasan. Napakabata pa ng sibilisasyon at payak pa ang pamumuhay. Isang araw, isa sa mga tao sa grupong ito ang naatasang maglakbay upang alamin kung may iba pang nilalang o uri ng taong tulad nila na naninirahan sa labas ng kanilang lugar. Naglakbay ang taong ito ng ilang araw sa masusukal na kagubatan at malalawak na karagatan at lupain. Hanggang sa isang gabi, may nasilayan siyang liwanag sa ‘di kalayuan. Pinuntahan niya ito. Ang liwanag ay nagmumula sa apoy. Ngunit dahil inosente, hindi alam ng taong iyon ang tungkol sa apoy. Siya ay natakot. "Huwag kang matakot," ang sabi ng tinig sa kanyang likuran. Pagtalikod niya ay laking gulat niya nang makitang may nakatayo na pala sa kanyang likuran. Isang lalaking napakalinis at napakaganda...