Posts

Showing posts with the label Parabula / Parable

Parabula: Ang Talinghaga ng Nawawalang Tupa

Image
Minsan may isang pastol na may isandaang tupa na inaalagaan.  Bawat isa ay kanyang iniingatan at ginagabayan.  Pinoprotektahan din niya sa mga lobo ang kanyang mga tupa, at itinutuwid ng landas sa tuwing sila’y maglalakbay. Ngunit isang araw, nang bilangin ng pastol ang kanyang mga tupa’y bigla siyang nanlumo. Siyamnapu’t siyam lamang ang kanyang bilang.  May isang tupa na nawawala.  Sa katunayan, ang tupang iyon ang pinakamaliit sa lahat.  At hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura nito at ang tinig nito, bagama’t halos pare-pareho ang itsura ng mga tupa. Kaagad kumilos ang pastol.  Inayos niya ang siyamnapu’t siyam niyang tupa sa isang tabi, at siya ay lumisan upang hanapin ang nawawalang tupa.  Hindi lubos maintindihan ng naiwang mga tupa kung bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng kanilang amo sa isang nawawalang tupa at handa nitong iwan silang siyamnapu’t siyam.  Hanggang sa magbalik ang kanilang amo.  Dala na nito ang nawawala...

Parabula: Mga Mabuting Samaritano

Image
Isang lalaki ang naglalakbay pababang Jerusalem at patungong Jeriko. Mula sa kanyang kinatatayuan ay abot-tanaw pa rin niya ang huling bahay sa Jerusalem. Naabutan siya ng sikat ng araw at nagpahinga sa ilalim ng punongkahoy at doon na rin niya kinain ang kanyang pananghalian.  Nang siya ay tumayo para ipagpatuloy ang paglalakbay ay muli niyang isinabit sa kanyang balikat ang sako. Nanatili pa rin siyang nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Mataas pa rin ang araw kaya naniniwala siya na makakarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang walang anu-ano isang grupo ng kalalakihan ang nakita niya at ginulpi siya at inagaw lahat ang kanyang mga dala. Iniwan siyang halos wala ng buhay.  Isang pari ang napadaan at nilampasan lamang siya, ganoon din ang ginawa ng isang Liveti. At may isang napadaan na Samaritano ang naawa sa kanya at tinulungan siya. Binindahan ang kanyang sugat at pinainom ng alak, pagkatapos painumin ng alak, dinala siya sa isang lugar. Ginamot nito ang sugat nya at binalot...

Parabula: Nang Magtampo ang Buwan

Image
Minsan nagtampo ang buwan sa araw at ito’y kanyang kinamuhian.  Inggit ang dahilan ng lahat. Naiinggit siya sa araw, dahil ito’y mas sikat at hinahangaan ng mga tao kaysa sa kanya.  Samantalang siya’y simbolo lamang ng malalagim na bagay.  At kung minsan ay ginagawang palatandaan ng kabaliwan! Walang nananabik sa kanyang pagsikat at walang nanghihinayang sa kanyang paglubog.  Habang ang araw ay parating inaabangan ang pagsikat at ikinalulungkot ang paglubog nito. Sa galit ng buwan, siya’y nagpakalayu-layo sa araw. At sa paghahangad niyang maging sikat, nanghiram siya ng kulay sa bahaghari at ito’y ipinahid niya sa kanyang mukha. Gayundin, nanghiram siya ng ilang bituin at pinakislap ang ilang bahagi ng kanyang kabuuan. Hindi nga naglaon at napansin siya ng mga tao. Ngunit sa halip na hangaan, siya’y pinagtawanan.  Nilibak.  Kinutya! Saan ka nakakita ng buwan na may ibang kulay? Lubos na nalungkot ang buwan. "Malulupit ang tao," ang sabi niya.  Nagkamal...

Parabula: Ang Manok at ang Gintong Itlog

Image
May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke.  At nang ito’y kanyang iuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito.  Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! Ngunit ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon, hindi na naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito. Ganoon nga ang kanyang ginawa.  Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa.  Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay.  At gayon, mas lalo pa siyang nawalan. Mensahe: Ang pagkagahaman ay walang kinahihinatnan. Ang naghahangad na magkaroon ng maramin...

Parabula: Ang Pagmamahal sa Kapwa

Image
Isang mataas na bundok ang tinangkang akyatin ng isang grupo ng kalalakihan. Ngunit sa proseso ng kanilang pag-akyat, isang pagguho ng yelo ang naganap at marami sa kanila ang nasalanta at namatay. Tatlong lalaki mula sa grupong iyon ang milagrong nakaligtas.  Ngunit malubhang napilayan ang isa. "Mamamatay na rin lang ang lalaking iyan, iwan na natin!" ang pagyayaya ng isa. "Hindi. Hindi natin siya maaaring iwanan hangga't may buhay pang nalalabi sa kanya," wika naman ng ikalawa. "At anong gagawin mo? Bubuhatin ang lalaking iyan  hanggang sa makababa tayo? Isa kang baliw!" "Mas hindi ko makakayang iwan siya rito..." ang tugon lamang nito. Kaya't nagpatiuna na nga ang lalaking iyon at iniwan ang dalawa. Samantala, buong pagtitiyaga ngang binuhat ng lalaki ang sugatan.  Isinakay niya ito sa kanyang likuran, at yumakap naman sa kanya ang lalaki upang hindi mahulog. Naglakbay sila sa ganitong ayos, kahit na nga mahirap ay tiniis ng lalaki, ma...

Parabula: Ang Palaka na Naghahangad Lumipad

Image
Minsan may isang palakang tumingala sa langit at humanga sa mga ibong nagliliparan. "Gusto ko ring makalipad na tulad nila!" ang sabi niya. Ngunit ang tanong ay papaano? Isang hapon, nakakita ang palaka ng lobong lumilipad.  Noon niya naisip ang solusyon sa kanyang paghahangad. "Gaya ng lobo, pupunuin ko ng hangin ang aking tiyan upang ako’y makalipad!" At ganoon nga ang kanyang ginawa.  Lumulon siya nang lumulon ng hangin hanggang sa siya ay lumutang. Tuwang-tuwa ang palaka! Lumulutang na siya! Lumulutang na! Pero hindi pa sapat! Nais niyang marating ang nararating ng mga ibon.  Kaya’t siya’y muling lumulon ng hangin.  At lumulon pang muli.  Hanggang sa lumaki nang lumaki ang kanyang tiyan. At nang marating niya ang pinakamataas na ulap ay napakalaki na ng kanyang tiyan na punung-puno ng hangin. Hindi na nakayanan ng kanyang katawan ang hangin.  At dahil dito, ang palaka ay sumabog at nagkawatak-watak ang katawan. Pagbagsak sa lupa ng kanyang nagkapira-pir...

Parabula: Ang Pinakamaliit na Bato

Image
Ang guro at ang kanyang mga estudyante ay naglalakad sa isang bulubunduking lugar.  Malayo pa ang kanilang lalakbayin.  Ang mga estudyante ay nakaramdam na ng gutom.  Wala naman silang nadaraanang puno na may bunga para makapitas sila ng makakain.  Dalawang batis na ang kanilang dinaanan.  Uminom silang lahat sa dalawang batis.  Napawi naman ang kanilang uhaw.  Ang hindi lang nawala ay ang nararamdaman nilang matinding gutom. Wala rin naman mga bahay at tindahan sa kanilang dinaraanan.  Maaari sana silang bumili o humingi ng anumang pagkain para mapawi ang kanilang gutom.  Nahihiya naman silang magsabi sa kanilang guro. Alam nilang ang kanilang guro ay mayroong kapangyarihan.  Kung gugustuhin nito ay maaari itong makagawa ng pagkain para sa kanilang lahat.  Kaya laking pasasalamat nila ng huminto sa paglakad ang kanilang guro at humarap sa kanilang lahat. "Malayo pa ang ating lalakbayin," sabi nito. "Kailangang magkaroon tayo ng pan...

Parabula: Ang Alibughang Anak

Image
Ang isang mayamang ama’y may dalawang anak na kapwa lalaki.  Hiniling ng batang anak na ang ganang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya.  Nang makuha na nang bunso ang kanyang mana ay tumungo sa malayong bayan at nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama. Naubos na lahat ang kanyang salapi.  Namumulubi siya at nang wala nang makain ay inisip nang bumalik sa dating tahanan upang makain man lamang niya ang kinakain ng alila ng kanyang ama.  Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama, sinalubong ng yakap at halik ang bumalik na anak.  Inutusan ang isang alila na bigyan ang anak ng pinakamagarang kasuotan, ipinasuot sa daliri ang isang mamahaling singsing at ipinagpatay ng isang matabang baka. Namangha ang matandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan.  Nang malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay nagalit nang gayon na lamang at sinumbatan ang ama.  Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ...

Parabula: Ang Pulubi at ang Mahabaging Diwata

Image
Matagal nang pinagmamasdan ng Diwatang mahabagin ang isang pulubi sa lansangan ng bayan. Awang-awa siya rito. Matanda na ang pulubing babae.  Walang kasama at batid niyang nag-iisa ito sa buhay dahil walang pamilya. Minsan, nais sana niyang alamin ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang naging kapalaran ng kawawang pulubi.  Ngunit wala siyang kakayahang bumalik sa kahapon.  At ang mga pinagdaanan ng matandang pulubi ay isang misteryo. Sa sobrang habag ng diwata sa pulubing iyon ay kinausap niya si Bathala. "Ano ang puwede kong magawa upang matulungan siya?" "Wala ka nang magagawa para matulungan ang pulubing iyon," ang sabi ni Bathala. "Pero baka may paraan pa…" "Isa lang ang alam kong paraan," ang tugon ni Bathala.  "Ang mabigyan siya ng panibagong simula…" "Tama!  Iyon nga ang maaari nating gawin para matulungan siya!" "Pero hindi ko ginagarantiyahan na may magbabago sa takbo ng kanyang buhay." "Ang mahalaga’y ...

Parabula: Ang Magandang Dilag at ang Kuba

Image
Minsan may isang magandang dilag na sinusuyo ng halos lahat ng kalalakihan sa nayon. Ngunit ang magandang dilag ay tila mapili o sadyang pihikan.  Sa dinami-rami ng mga manliligaw nito’y wala pa ring mapili. Ayon sa magandang dilag, hindi lang panlabas na anyo ang batayan nito sa pagpili ng lalaking mapapangasawa.  Ang hinahangad nito ay isang lalaking mamahalin siya ng lubos.   Isang gabi, isang kuba ang umakyat sa kanya ng ligaw. Nagtawanan ang ilang binata na nakasabay ng kuba sa panliligaw. Batid ng mga ito na wala nang kapag-a-pag-asa ang kubang iyon sa pihikang dilag. Nang makita nga ng magandang dilag ang kuba na nakatakdang manligaw sa kanya ay napailing ito. Hindi man siya naghahangad ng masyadong guwapo, pero ang kubang ito ay sadyang nakaririmarim pagmasdan.  Hirap itong lumakad at tunay na may kapangitan.   Hindi alam ng dilag kung papaano niya sasabihin sa kuba na wala na itong pag-asa sa kanya. Ngunit nang mahalata iyon ng kuba ay bigla i...

Parabula: Ang Ginintuang Aral

Image
May isang mag-asawang may anak na batang lalaki.  Kasamang naninirahan ng pamilyang ito ang ama ng Tatay.  Noong una, maligayang nakakatulong ng mag-asawa sa paghahanapbuhay ang ama at masayang nakakasama ng bata ang kanyang Lolo sa paglalaro. Ngunit dumating ang sandaling tuluyan nang inagaw ng katandaan at madalas na pagkakaroon ng karamdaman ang lakas ng matandang lalaki.  At dahil dito, hindi na ito napakinabangan sa bahay. Sa tuwing kumakain sa hapag-kainan, parating nakakabasag ng pinggan ang matandang lalaki nang dahil sa panginginig ng kamay. Sa buwisit ng mag-asawa sa matanda ay ginawan na lang nila ito ng pinggan na gawa sa kahoy, na animo isang aso. Ang pinggan nga naman na gawa sa kahoy ay hindi na mababasag nito. Naging saksi ang batang anak ng mag-asawa sa ginawa nila sa matanda. Isang araw, nagtungo sa silong ang bata at kumuha ng magandang uri ng kahoy. Nang makita siya ng kanyang ama ay kaagad nilapitan at tinanong. Ano ang ginagawa mo? Tumingin ang bata ...

Parabula: Ang Balyenang Naghangad

Image
Ang balyena marahil ang pinakamalaking nilalang sa mundo.  Ngunit ito’y naging dahilan upang magyabang ang isang balyena. Ang sabi niya, Ako ang pinakamalaking nilalang sa mundo, kaya’t hindi ako nararapat sa karagatan lang!  Sa lupa, mas higit nila akong kikilalanin at hahangaan! Sa ‘di kalayuan ng aplaya, nakita niyang maliwanag ang landasin doon. At madalas din, naririnig niya sa mga mangingisdang naglalakbay sa karagatan ang mga kuwento tungkol sa kabayanan.  At kung papaanong kinikilala ang mga matatagumpay at mahuhusay doon. Ang balyenang mayabang ay naghangad. Isang gabing kabilugan ng buwan, siya ay naglakbay at lumangoy nang matulin patungo sa aplaya. Masayang-masaya siya sa pag-aakalang katuparan ng pangarap ang naghihintay sa kanya.  Ang hindi niya alam, kamatayan pala ang nakaabang. Dahil nang marating niya ang mababaw na bahagi ng karagatan ay hindi na siya nakalangoy pa.  At nang makita siya ng mga tao, siya nga’y pinagkaguluhan! Ngunit hindi upang...

Parabula: Ang Regalo ng Liwanag

Image
Noong unang panahon, sa isang malamig na bahagi ng mundo, may isang grupo ng mga taong naninirahan.  Sinasabing ang mga taong ito ang isa sa mga sinaunang nilalang.  Marami pa silang bagay na hindi nalalaman o natutuklasan.  Napakabata pa ng sibilisasyon at payak pa ang pamumuhay. Isang araw, isa sa mga tao sa grupong ito ang naatasang maglakbay upang alamin kung may iba pang nilalang o uri ng taong tulad nila na naninirahan sa labas ng kanilang lugar. Naglakbay ang taong ito ng ilang araw sa masusukal na kagubatan at malalawak na karagatan at lupain. Hanggang sa isang gabi, may nasilayan siyang liwanag sa ‘di kalayuan.  Pinuntahan niya ito. Ang liwanag ay nagmumula sa apoy.  Ngunit dahil inosente, hindi alam ng taong iyon ang tungkol sa apoy.  Siya ay natakot. "Huwag kang matakot," ang sabi ng tinig sa kanyang likuran. Pagtalikod niya ay laking gulat niya nang makitang may nakatayo na pala sa kanyang likuran.  Isang lalaking napakalinis at napakaganda...

Parabula: Ang Magkapatid

Image
Minsan may magkapatid na naninirahan sa isang bayan.  Ang isa ay mayaman.  At ang isa naman ay mahirap na walang ibang pinagkakabuhayan kundi ang pagtatanim ng kalabasa. Isang araw, namunga ng isang kakaibang kalabasa ang kanyang pananim.  Isang kalabasang may pambihirang laki! Hindi alam ng lalaki ang kanyang gagawin sa dambuhalang kalabasa. Naisin man niyang kainin ito, ngunit napakalaki at tiyak na maraming masasayang.  Kung mag-iimbita siya ng mga bisita para kumain sa kalabasa ay manghihinawa lang ang mga iyon.  Kung dadalhin naman niya sa palengke upang ibenta ay hindi rin maaari.  Walang sasakyang maaaring magdala sa ganito kalaking kalabasa.  At hindi rin magiging sapat ang kita para makabawi sa gagamiting transportasyon patungo sa palengke. Naisip ng taong ito na iregalo na lamang sa hari ang dambuhalang kalabasa. At ganoon nga ang kanyang ginawa.  Laking tuwa ng hari.  Dahil noon lamang ito nakakita ng ganoong kalaking kalabasa. "Is...