Posts

Ang Kalabaw at ang Tagak

Image
Ang Kalabaw at ang Tagak - Kuwento ni Pablo Cuasay Minsan isang araw, Ang kalabaw at tagak Ay nagkatagpo sa batisan. Kapwa sila nauuhaw. Bati ng tagak, "Kumusta, kaibigan?" "Mabuti naman, at ikaw? Di ko akalaing ikaw pala ay hangal!" "Bakit hangal?" "Bakit ka naparito? Ito ay ilog ko." "Sino kang magbabawal? Ito'y biyaya ng Maykapal!" "Mula ngayon, ipinagbabawal ko, Walang paparito kahit sino! Ako ang hari nitong ilog, Masdan yaring sungay na maalindog, Simbolo ng kapangyarihang aking lubos." "Kung tunay ngang ikaw ay hari, Lumipad ka. Subukin kung maaari;Pagnatupad mo, utos mo'y hindi mababali. At kung mainom mo ang tubig sa ilog, Hari ka ngang tunay. Dapat kang mapabantog!" "Oo, pustahan tayo!" "Payag ako. Gagawing alipin ang matatalo." Ang lahat ng hayop at mga ibon Nanood na sadya sa paligsahang iyon. "Ikaw ang magsimula ng pag-inom, Sa iyo'y susunod akong walang tutol," ...

Maikling Kwento - Ang Aral ng Damo

Image
Ang Aral ng Damo May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan. "G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel. "Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak." Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw ba'y maligaya sa iyong paligid?" "Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!" Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano ang masasabi mo sa iyong halimuyak?" "Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!" Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G. Saging, kumusta? Ikaw ba'y na...

Maikling Kwento - Ang Matalik Kong Kaibigan

Image
Ang Matalik Kong Kaibigan Tulad ng nakagawian kong gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa paaralan, hinanap ko ang pahayagan. Ipinatong ko ang pagod kong mga paa sa bangkito at inumpisahan kong basahin ang kolum ni George Nava True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa katawan. Sunod kong tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga pangalan ng mga namatay sa obituary. Laking gulat ko na lang nang makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan. Bigla akong tumayo na nanikip ang dibdib. Sinabi ko kay Nanay na namatay si Richard at pupuntahan ko agad sa St. Peter's Chapel kung saan siya nakaburol. Sa St. Peter's, sinabi sa information na sa huling silid sa kaliwa naroon ang aking kaibigan. Sa pagpasok ko pa lamang sa silid ay nakita ko na agad ang iba naming kabarkada. Puro sila malungkot at halos maiyak-iyak. Di ko mapigil ang aking luha habang minamasdan ko ang mukha ni Richard sa loob ng kabaong. May mga tapal ang kanyang pisngi at noo. Lumapit s...

Maikling Kwento - Ang Pagdalaw ng mga Pastol at Tatlong Hari

Image
Ang Pagdalaw ng mga Pastol at Tatlong Hari Hindi pa naglalaon ang kasal ni Jose kay Maria nang iutos ni Emperador Caesar Augustus na ang lahat ng tao sa buong Roma ay magpatala sa senso. Sila ay dapat magpatala sa pinagmulan ng kanilang pamilya. Sina Maria at Jose ay mula sa pamilya ni David kaya nilisan nila ang Nazareth upang pumunta sa Bethlehem pagkat dito isinilang si David. Ang mahabang paglalakbay ay mahirap pagkat si Maria'y nagdadalang-tao at malapit nang magsilang. Nang sila'y sumapit sa Bethlehem, ito'y siksik ng tao dahil sa mga nagsisipagpatala. Pagkat walang matuluyan, sina Jose at Maria'y nagkasya na lamang sa sabsaban ng mga hayop. Sa tanimang malapit sa Bethlehem, nang gabing ipinanganak si Hesus, binabantayan ng mga pastol ang kanilang alagang hayop. Biglang sila'y nabalot sa mahiwagang liwanag at nagulumihanan nang pakita sa kanila ang anghel ng Diyos. "Huwag kayong matakot," sabi ng anghel, "akoy may masayang balita. Sa araw na ito...

Maikling Kwento - Ang Matalinong Pintor

Image
Ang Matalinong Pintor Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran nila. Bitbit niya sa kanang kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay ang brotsang gagamitin sa pagpipintura. Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, "Huwag kang aalis, Zandrey, dahil may ipagagawa ako sa iyo." "Ano po iyon, inay?" tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan nilang mga magkababata na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga. "Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng pinturang puti at brotsa at maaari mo nang masimulan pagkakain mo." Hindi maaring hindi susunod sa utos. Mabait ito kung sa mabait, ngunit ang mga utos niya ay parang utos ng reyna na di mababali. Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo namang nagsisiksikan sa pag-iisip niya ang tiyak na nasa laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na sa pag-aantay sa kanya, o di kaya'...

Maikling Kwento - Ang Nawawalang Prinsesa

Image
Ang Nawawalang Prinsesa Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo. Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi. Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito. Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. "Maganda pong talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya." Binigyan siya ng matanda ng isang bala...

Maikling Kwento - Ang Sapatero at ang Dwende

Image
Ang Sapatero at ang Dwende May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares na sapatos. Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin sa umaga ang sapatos. Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at kay husay pa ng pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares. Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita uli na yari na ang dalawang pares na sapatos. Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya uli ng mga gamit para sa apat na pares. Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa umaga. Ganoon na naman ang nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos. Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng sapatero. "Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin," tanong niya sa asawa. "Sino nga kaya? Gusto mo, huwag t...