Parabula: Ang Pulubi at ang Mahabaging Diwata
Matagal nang pinagmamasdan ng Diwatang mahabagin ang isang pulubi sa lansangan ng bayan. Awang-awa siya rito. Matanda na ang pulubing babae. Walang kasama at batid niyang nag-iisa ito sa buhay dahil walang pamilya. Minsan, nais sana niyang alamin ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang naging kapalaran ng kawawang pulubi. Ngunit wala siyang kakayahang bumalik sa kahapon. At ang mga pinagdaanan ng matandang pulubi ay isang misteryo. Sa sobrang habag ng diwata sa pulubing iyon ay kinausap niya si Bathala. "Ano ang puwede kong magawa upang matulungan siya?" "Wala ka nang magagawa para matulungan ang pulubing iyon," ang sabi ni Bathala. "Pero baka may paraan pa…" "Isa lang ang alam kong paraan," ang tugon ni Bathala. "Ang mabigyan siya ng panibagong simula…" "Tama! Iyon nga ang maaari nating gawin para matulungan siya!" "Pero hindi ko ginagarantiyahan na may magbabago sa takbo ng kanyang buhay." "Ang mahalaga’y ...