Posts

Maikling Kwento - Dalawang Lapis

Image
Dalawang Lapis - Kuwento ni Miguel Arguelles Isang hapon, dalawang lapis na kapwa nalaglag sa playground ng paaralan mula sa dalawang batang mag-aaral ang nagkatagpo at sila ay nag-uusap. Lapwan: "Hoy, laptu, kumusta ka?" Laptu: "Mabuti, ikaw, Lapwan, kumusta ka rin?" Lapwan: (Umiling-iling) "Hindi mabuti, kaibigan." Laptu: "Kung hindi mabuti, marahil ay masama. Gayon nga ba?" Lapwan: "Oo, gayon nga." Laptu: "Bakit naman?" Lapwan: "Dahil ang amo ko ay hindi mabuting amo. Mahina sa klase. Salbaheng bata. Kung anu-anong kalokohan ang ginagawa at ipinagagawa sa akin." Laptu: "Ano'ng ibig mong sabihin ng mga 'kalokohan'? Anu-ano ba 'yon?" Lapwan: (Bumuntung hininga) "Napakaraming kalokohan, pero ilan lamang ang sasabihin ko sa iyo at sapat na 'yon. Heto... Ako'y madalas niyang isulat at ipagdrowing sa baro ng mga kaklase niyang nakatalikod sa kanya pag hindi nakatingin si Titser. Is...

Maikling Kwento - Dalawang Aso

Image
Dalawang Aso Nagkitang minsan ang asong-lunsod at asong-bukid. "Kumusta ka, kaibigan," bati ng asong-lunsod. "Matagal na tayong hindi nagkakausap." "Mabuti naman," sagot ng asong-bukid. "Ikaw naman, mukhang alagang-alaga ka. Kay lusog mo ngayon." "Oo nga. Alam mo bang saganang-sagana ako sa pagkain. Kay daming ibinibigay sa akin ng aking among mayaman." "Mabuti ka pa," sabi ng asong-bukid. "Ako nama'y hindi gaanong marami ang nakakain. Nakakatawid-gutom lamang dahil hindi naman nakaririwasa ang tinitirhan ko." "Bakit hindi ka pa sumama sa akin? Maraming pagkain doon sa amo ko. Tiyak na tataba kang katulad ko," alok ng asong-lunsod. "Talaga ba? O, sige, sasama ako sa iyo at doon na rin ako titira sa amo mo." Naglakad na nga ang dalawang pauwi sa tinitirhan ng asong-lunsod. Habang nasa daan pa sila, napansin ng asong-bukid na may mga sugat sa leeg ang kanyang kaibigan. "Ano ang nangyari sa ...

Bugtong

Image
Wala sa langit, wala sa lupa Kung tumakbo ay patihaya. Sagot:  Bangka   Kung babayaan mong ako ay mabuhay Yaong kamataya'y dagli kong kakamtan;   Ngunit kung ako'y pataying paminsan, Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.   Kung kailan ko pa pinatay Ay saka nagtagal ang buhay.   Kung babayaan mong ako ay mabuhay Yaong kamataya'y dagli kong kakamtan Sagot:  Kandila   Binili ko nang di nagustuhan Ginamit ko nang di ko nalalaman Sagot:  Kabaong       Nang hatakin ang baging, Nagkagulo ang matsing. Sagot:  Kampana ng Simbahan   May kamay, walang daliri Sagot:  Relo     Sa umaga ay nagtataboy Sa gabi ay nag-aampon Sagot:  Bahay   Mataas ang ibinitin Kaysa pinagbitinan.   Buto't-balat, lumilipad Sagot:  Bolador / Saranggola     Isang uhay na palay Sikip sa buong bahay. Sagot:  Lampara   Kung gabi ay malapad Kung araw ay matangkad.   Kung gabi'y dagat Sa araw ay bu...

Parabula: Ang Talinghaga ng Nawawalang Tupa

Image
Minsan may isang pastol na may isandaang tupa na inaalagaan.  Bawat isa ay kanyang iniingatan at ginagabayan.  Pinoprotektahan din niya sa mga lobo ang kanyang mga tupa, at itinutuwid ng landas sa tuwing sila’y maglalakbay. Ngunit isang araw, nang bilangin ng pastol ang kanyang mga tupa’y bigla siyang nanlumo. Siyamnapu’t siyam lamang ang kanyang bilang.  May isang tupa na nawawala.  Sa katunayan, ang tupang iyon ang pinakamaliit sa lahat.  At hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura nito at ang tinig nito, bagama’t halos pare-pareho ang itsura ng mga tupa. Kaagad kumilos ang pastol.  Inayos niya ang siyamnapu’t siyam niyang tupa sa isang tabi, at siya ay lumisan upang hanapin ang nawawalang tupa.  Hindi lubos maintindihan ng naiwang mga tupa kung bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng kanilang amo sa isang nawawalang tupa at handa nitong iwan silang siyamnapu’t siyam.  Hanggang sa magbalik ang kanilang amo.  Dala na nito ang nawawala...

Parabula: Mga Mabuting Samaritano

Image
Isang lalaki ang naglalakbay pababang Jerusalem at patungong Jeriko. Mula sa kanyang kinatatayuan ay abot-tanaw pa rin niya ang huling bahay sa Jerusalem. Naabutan siya ng sikat ng araw at nagpahinga sa ilalim ng punongkahoy at doon na rin niya kinain ang kanyang pananghalian.  Nang siya ay tumayo para ipagpatuloy ang paglalakbay ay muli niyang isinabit sa kanyang balikat ang sako. Nanatili pa rin siyang nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Mataas pa rin ang araw kaya naniniwala siya na makakarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang walang anu-ano isang grupo ng kalalakihan ang nakita niya at ginulpi siya at inagaw lahat ang kanyang mga dala. Iniwan siyang halos wala ng buhay.  Isang pari ang napadaan at nilampasan lamang siya, ganoon din ang ginawa ng isang Liveti. At may isang napadaan na Samaritano ang naawa sa kanya at tinulungan siya. Binindahan ang kanyang sugat at pinainom ng alak, pagkatapos painumin ng alak, dinala siya sa isang lugar. Ginamot nito ang sugat nya at binalot...

Parabula: Nang Magtampo ang Buwan

Image
Minsan nagtampo ang buwan sa araw at ito’y kanyang kinamuhian.  Inggit ang dahilan ng lahat. Naiinggit siya sa araw, dahil ito’y mas sikat at hinahangaan ng mga tao kaysa sa kanya.  Samantalang siya’y simbolo lamang ng malalagim na bagay.  At kung minsan ay ginagawang palatandaan ng kabaliwan! Walang nananabik sa kanyang pagsikat at walang nanghihinayang sa kanyang paglubog.  Habang ang araw ay parating inaabangan ang pagsikat at ikinalulungkot ang paglubog nito. Sa galit ng buwan, siya’y nagpakalayu-layo sa araw. At sa paghahangad niyang maging sikat, nanghiram siya ng kulay sa bahaghari at ito’y ipinahid niya sa kanyang mukha. Gayundin, nanghiram siya ng ilang bituin at pinakislap ang ilang bahagi ng kanyang kabuuan. Hindi nga naglaon at napansin siya ng mga tao. Ngunit sa halip na hangaan, siya’y pinagtawanan.  Nilibak.  Kinutya! Saan ka nakakita ng buwan na may ibang kulay? Lubos na nalungkot ang buwan. "Malulupit ang tao," ang sabi niya.  Nagkamal...

Parabula: Ang Manok at ang Gintong Itlog

Image
May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke.  At nang ito’y kanyang iuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito.  Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! Ngunit ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon, hindi na naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito. Ganoon nga ang kanyang ginawa.  Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa.  Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay.  At gayon, mas lalo pa siyang nawalan. Mensahe: Ang pagkagahaman ay walang kinahihinatnan. Ang naghahangad na magkaroon ng maramin...